Hays.. hindi naman yan mawawala sa isang relationship eh.. Hindi naman mawawala ang mga pagkukulang natin sa taong mahal natin.. Minsan akala natin ginagawa natin ang tama kasi feel natin un ang tama pero minsan hindi pala.. (pabayaan niyo nalang ako magdrama)
Anyways.. Bakit ba ganun? hindi ko minsan maisip ganun ba tlga nakakapagod umeffort sa isang tao? or nakakapagod ba tlga umeffort sa isang tao? diba dapat hindi? kasi dapat masaya ka sa bawa’t effort mo sa taong mahal mo kasi mapapasaya mo siya at mapapafeel mo sakanya kung ganu siya kahalaga sau..
Mahirap ba iparamdam talaga sa taong mahal mo na you really care for them? yung tipong tanungin ka manlang kung “kamusta ka na” or “kumaen ka na ba” “ano gawa mo”.. yung tipong ganun sana ok na eh..
Gano ba minsan kahirap na mauna ka tumawag or magtext bago ako? Kailangan ba ako lagi mauna? kailangan ba lagi ako ang gumalaw bago ikaw? At sa tuwing magaaway tayo kailangan ba kahit ako yung galit ako padin ang susuyo?!